Saturday, December 25, 2010

Payapang Daigdig?

I wrote this small poem two years ago, revising the lyrics of a popular song 'Payapang Daigdig' by Felipe Padilla de Leon. I posted it over my old blog site as a Christmas greeting. I'll do it gain as a reminder to take care of Mother Earth. It is the only home we got.

Ang gabi’y payapa, Lahat ay tahimik

Pati mga tala, sa bughaw na langit

Kay hinhin ng hangin, waring umiibig

Sa kapayapaan, ng buong daigdig


Payapang panahon, ay biglang binasag

Ang hangin nilason, ang gubat winasak

Ang bundok pinatag , ang ilog tinapunan

Mga biyaya winaldas ng sangkatauhan


Ang gabing payapa ay hindi na tahimik

Di na kita mga tala sa maitim na langit

Ang simoy ng hangin, hindi na kaibig-ibig

Wala nang buhay sa payapang daigdig.


Maligayang Pasko sa ating lahat!


Ang a very merry and safe Christmas to all!

No comments: